Advertisers

Advertisers

Gasolinahan hinoldap, nagpa-gas na negosyante ginawang driver sa pagtakas

0 19

Advertisers

TINUTUGIS ngayon ng pulisya ang dalawang holdaper na tumangay sa kita ng isang gasolinahan, cash at cellphone ng dalawang empleyado at isang negosyante na nagpapa-gas saka pinag-drive ang huli sakay ng kanyang sasakyan pagtakas sa Kawit, Cavite, Biyernes ng madaling araw.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang holdaper na mabilis na tumakas matapos ang panghoholdap.

Kinilala ang mga biktima na 27-anyos na cashier, 18-anyos na pump attendant ng Seaoil Gasoline station, at 38-anyos na negosyanteng lalaki.

Sa ulat ni Police Corporal Dennis De Ocampo ng Kawit Police Station, bago ang insidente nagtungo ang mga lalaki sa nasabing gasolinahan, nagdeklara ng holdap, tinangay ang P10,000 kita ng gasolinahan at cellphone ng kahera sa Centenial Highway, Brgy Tabon 1, Kawit 2:00 ng madaling araw..

Pagkatapos nito, inutusan ng mga holdaper ang lalaking negosyante na umalis matapos magpakarga ng gasolina sa gray Mitsubishi Mirage at inutusan ang cashier at pump attendant na sumakay.

Pagdating sa Covelandia Road, pinalabas ng mga salarin ang dalawang empleyado ng gasolinahan habang sinabihan ang negosyante na ipagpatuloy ang pagmamaneho hanggang sa nakarating sa Las Piñas City via CAVITEX.

Sa biyahe, kinuha ng mga salarin ang P6K cash ng negosyante at dalawang cellphone.

Pagsapit sa Brgy. Lupa, Las Pinas City, bumaba ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.