Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA panayam ni Korina Sanchez, inilahad ni Empoy Marquez ang kanyang early beginnings bago pa man siya nakilalang ace comedian.
Aniya, bata pa raw siya noon ay mahilig na siyang manood ng comedy movies.
Katunayan, nakaugalian na raw niya na noon ang lumiban sa klase para lang manood ng mga pelikula nina Dolphy, Chiquito, Babalu, Tito, Vic at Joey at iba pang iniidolo niyang mga komedyante.
Rumaraket-raket din daw siya noon sa isang banda at nagkaroon ng iba pang odd jobs.
Pero ang pinakamalaki raw niyang break ay nang manalo siya bilang grand winner sa Mr. Suave Look-a-life contest sa defunct show na Magandang Tanghali, Bayan, kung saan naging host din siya.
Maituturing daw niyang milestone sa buhay niya ay nang pumatok ang pelikulang “Kita Kita” na pinagbidahan nila ni Alessandra de Rossi.
Dahil daw sa unexpected hit na iyon, nagbago ang kanyang buhay.
Sa tanong naman ng beteranang broadcaster kung na-develop ba siya kay Alex lalo pa’t swak naman ang kanilang tandem.
Sey ni Empoy, kaibigan lang daw talaga ang turingan nila ng award-winning actress.
Naurirat din ni Korina ang komedyante kung may girlfriend ito sa kasalukuyan.
Ani Empoy, loveless daw siya sa ngayon.
Pero, matagal na raw naman siyang naka-move on from his heartbreak.