Advertisers

Advertisers

‘Petition for certiorari’ vs OVP, OES at DBM sa P125m confi funds ni VP Sara

0 17

Advertisers

PORMAL nang naghain ng petisyon sa Korte Suprema nitong Martes ng umaga sina Atty. Barry Gutierrez, dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Gus Lagman at iba pa, kinukuwestyon ang P125 million confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022.

Ang respondents ay ang Tanggapan ni Vice President Sara Duterte, Office of the Executive Secretary (OES) Lucas Bersamin, at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangabdaman.

Hiling ng grupo ni Gutierrez sa Korte Suprema, linawin kung tama bang biglang pagkalooban ng confidential funds si VP Sara noong 2022 gayung hindi nakalagay sa General Appropriations Act (GAA) of 2022 ang pagkaroon ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).



Ang dating Vice President kasi na si Leni Robredo ay hindi humingi ng confidential funds simula nang maupo ito ng 2016 hanggang matapos ang termino noong 2022. Pero ang kanyang successor na si Sara, pagkaupo ng Hulyo 2022 ay humirit ng confidential funds kay Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr na nagkakahalaga ng P250 million. Pero ang ibinigay lamang ng DBM ay P125 million. Ang halagang ito ay ni-release ng December 2022, at ginastos ni Sara sa loob lamang ng 11 days!, ayon sa Commission on Audit. Ang kupet este lupet ano po?

Dahil hindi puwede kasuhan ang sitting President ng bansa, ang Executive Secretary ni PBBM na si Sec. Bersamin ang pinasasagot dito, at si DBM Sec. Pangamdaman na siyang nag-release ng P125 million.



Hindi naman pinagpapaliwanag ng grupo ni Gutierrez kung paano nilustay ni VP Sara ang P125m sa loob lamang ng dalawang linggo, kundi pinalilinaw at pinasesertipikahan lang sa Korte Suprema kung naaayon ba sa Saligang Batas ang ginawa ng OVP, OES at DBM? Kasi nga walang item ng confi funds ang OVP noong 2022, tapos biglang pinagkalooban si VP Sara nang hindi dumaan sa Kongreso o wala sa GAA of 2022.

Sabi pa ng kampo ni Gutierrez, kung hindi naaayon sa batas ang ginawa ng OVP, OES at DBM, dapat ibalik nito sa gobyerno ang P125 million at papanagutin ang mga responsable sa kasong ito. Araguy!!!



***

Dumako naman tayo sa House of Representa(thieves): Nagkakalasan na ang mga kapartidong maambabatas ni dating Presidente Rodrigo Duterte sa PDP Laban, ito’y matapos niyang ianunsyo na ang pinakabulok na institution sa gobyerno ay ang Kamara.

Huling kumalas sa partido nitong Lunes ang isa sa mga kinatawan ng Pampanga na si “Dong” Gonzales.

Say ni Digong: Umalis ang gusto umalis, kahit mag-isa nalang ako, magtatayo ako ng partido.”

Nanganganib namang maalis sa puwesto bilang Deputy Speaker si Lubao, Pampanga Rep. Gloria M. Arroyo, na una nang inalisan ng kapangyarihan bilang Sr. Deputy Spkr.

Umpisa na ito ng wakwakan para sa 2025 election in preparation for 2028 presidential derby. Subaybayan!