Advertisers

Advertisers

Pekeng MTPB arestado

0 12

Advertisers

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na nagpanggap na tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at nangongolekta ng P50 parking fee sa mga motorista sa kahabaan ng Mendiola at Aguila, San Miguel, Maynila.

Kinilala itong si Mark Jun Benedicto, residente ng Carce St., Quiapo, Maynila.

Bago ito, ilang reklamo ang natanggap ng pulisya tungkol sa pangingikil ng parking attendant sa naturang lugar gamit ang tiket ng MTPB, subali’t mas mataas ang singil nito.



Dahil dito, inatasan ni MPD Barbosa Police Station 14 commander Lt. Colonel Brillante Billaoac ang kanyang mga operatiba na maglabas ng covert surveillance operation kungsaan nadakip si Benedicto.

Sa report, naispatan mismo si Benedicto na nag-i-issue ng parking tiket sa mga motoristang pumaparada at sinisingil ng mas mataas na presyo ng Manila City Hall .



Mahaharap si Benedicto sa kasong paglabag sa Art 177 of RPC Usurpation of Authority at Art 316 o other forms of swindling. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">