Advertisers

Advertisers

May ‘significant progress’ na sa paghahanap sa missing beauty queen – PNP Chief

0 11

Advertisers

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda Jr., na may “significant progress” sa isinasagawang imbestigasyon sa nawawalang guro at beauty queen na si Catherine Camilon.

Hinimok ni Acorda ang mga sangkot sa pagkawala ni Catherine na sumuko na para gumaan ang kanilang kaso.

“What can I say, there is significant progress in the investigation. And that’s why I am appealing now to those who are involved sana sumuko na,” sabi ni Acorda sa press conference.

Gayunman, tumanggi si Acorda na ihayag ang mga bagong impormasyon tungkol sa kaso na iprinisenta ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Mayroong pabuyang P250,000 sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Catherine.

Oktubre 12 nang huling makita si Catherine sa loob ng isang mall sa Lemery, Batangas bago nawalan ng komunikasyon sa kaniya ang kaniyang pamilya.

Dalawa na ang itinuturing “person of interest” sa paghahanap kay Catherine. Kabilang dito ang isang Police Major na umano’y karelasyon ng beauty queen na isa rin guro.

Ang isa naman ay dating may-ari ng sasakyan na gamit ni Catherine nang mawala na sinampahan ng reklamong carnapping at estafa.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na kaduda-duda ang pangalan at address na inilagay ng POI sa deed of sale na ibinigay kay Catherine.