Advertisers
INARESTO ang isang transwoman na nagbabanta sa mga dating nakarelasyon na ipakakalat sa social media ang kanilang pribadong video kapag hindi ibinigay ang hinihingi nitong pera sa Calabanga, Camarines Sur.
Inaresto ang transwoman sa bisa ng apat na warrant of arrest sa kasong estafa at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Isinilbi ang dalawang warrant ng Calabanga Police, at dalawa rin mula sa Regional Anti-Cybercrime Division.
Ayon sa mga awtoridad, modus ng transwoman na takutin ang kaniyang mga nakarelasyon na ipo-post sa social media ang kanilang mga pribadong video kapag hindi ibinigay ang hinihingi niyang pera.
Ilan sa mga nabiktima nito ay mga uniformed personnel at negosyante na kaniya umanong kinakaibigan muna.
Nakakulong na ang transwoman na hindi muna pinangalanan at tumanggi itong magbigay ng pahayag.