Advertisers

Advertisers

69-anyos lola minolestiya ng adik

0 40

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaking nagtutulak ng droga at may kasong panggagahasa sa Clarin City, Misamis Occidental.

Kinilala ang naaresto na si Gerbe Jimenez, 32 anyos.

Naaresto si Jimenez nang ma-entrap sa isang barangay sa Clarin City at nakunan ng shabu nitong Linggo.



Nang kumalat ang pagkakahuli kay Jimenez, lumutang nitong Lunes ang 69-anyos na lola at itinuro si Jimenez na siyang gumahasa sa kanya sa kanilang tahanan sa Barangay Nahawan, Clarin City madaling araw nng October 29, 2023.

Wala umanong nagawa ang matanda sa panggagahasa sa kanya ni Jimenez dahil armado ito.



Napag-alaman na nakulong na si Jimenez sa kasong arson ilang taon na ang nakalilipas.

Ayon sa Clarin City Police Station, si Jimenez ay nahaharap na sa mga hiwalay na kasong rape at droga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">