Advertisers

Advertisers

REP. GMA INALIS BILANG DEPUTY SPEAKER; KAALYADO NI DUTERTE NAGKAKALASAN

0 12

Advertisers

TINANGGAL na ng House of Representatives nitong Martes sina dating Presidente ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo at Davao City Representative Isidro Ungab bilang mga Deputy Speaker.

Si Arroyo ay pinalitan ni Isabela Rep. Tonypet Albano habang si Ungab ay pinalitan naman ni Lanao del Sur Rep. Yasser Alonto Balindong.

Si Albano ay nagsilbing boss ng state-owned Radio Philippines Network (RPN) noong Arroyo administration bago ito ma-semi privatize.



Ang rason ng pagtanggal kay Arroyo ay ang pagtanggi niyang sumama sa House leadership sa pagkondena kay dating Presidente Rodrigo Duterte na inakusahan ang Congress bilang pinaka-bulok na institution sa bansa.

“Mag-liquidation tayo and you will find out what is the most rotten institution dito, you will find out its Congress,” ngitngit ni Duterte sa isang TV interview nitong nakaraang buwan.



Ang House of Representatives ay sumulat sa Commission on Audit (CoA) nitong nakaraang buwan, kungsaan nilinis ang mababang kapulungan sa anumang suspension, notice of disallowance, o notice of charge.

Si Arroyo ay dikit na kaalyado ni Duterte at ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte-Carpio.



Noong Mayo, si Arroyo ay inalis bilang senior de-puty speaker para umano “to unburden her of the heavy load required from the position.” Pinalitan siya ng kanyang kababayan, Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

Pero nitong Lunes ay kumalas na si Gonzales sa partido ni Duterte.

Samantala, sinabi ng kilalang political analyst at dating Presidential Adviser ni late PNoy Aquino na si Ronald Llamas na ang mga nakaraang pahayag ni Duterte na paghikayat sa mamamayan na huwag magbayad ng tax ay isang porma ng destabilization laban sa Marcos Jr. administration.

Sinabi rin ni Llamas na unti-unti nang nawawala ang mga kaalyado ni VP Sara.

Nagpahayag naman si Duterte na kahit nag-iisa nalang siya ay kaya niyang tumayo at magbuo ng partido.