Advertisers

Advertisers

Nature at Fashion

0 33

Advertisers

Ni NICK NANGIT

PAANO kung magtatag po ang kalikasan at kasuotan?
Ang sagot – isang kaabang-abang na kaganapan ang matutunghayan sa ika-12 ng Nobyembre, 2023, Linggo, alas-sais ng gabi, sa Mayuree Ballroom ng Dusit Thani Hotel sa lungsod ng Makati. Ito ay ang pagsasama ng kalikasan at kasuotan na pinamagatang “Nature & Fashion with Compassion”.
May charity fashion show kasi na katatampukan ng limang international floral artists na sina Anson Low ng Singapore, Kazuhiko Tanaka ng Japan, To Duy Kha ng Vietnam, at Susan Gonzales at April Ong ng Pilipinas. Tila bubukadkad ang iba’t ibang uri ng bulaklak sa galing at ganda ng kanilang sining at disenyo na ipamamalas sa atin.
Nagtulung-tulong sa okasyong ito sina Fr. Anton Pascual (Executive Director ng Caritas Manila, na siyang pangunahing presentor), Ms. Emilie Cruz (Chair), at Ces Noble (Co-Chair). Presentors din ang World Floral Council at Makati Garden Club.
Ang malilikom na donasyon dito ay gagamitin para sa Restorative Justice program ng Caritas Manila, na may layuning mapangalagaan ang mga Kababaihan at Kabataan laban sa Human Trafficking.
May plated dinner pa na ihahanda para sa mga bisita at sponsors.
Habang ang lahat ay naghahapunan, haharanahan sila ng mga mang-aawit na sina Zoe Zuñiga at Maxine Juan. Dito ay magtutugtog muli ako ng solo sa piano ng mga piyesang klasikal, Broadway, OSTs na hango sa pelikula, at inareglong pang-klasikal na kantang popular nina Adele, Ed Sheeran, at Bruno Mars.
Para sa inyong mga katanungan at iba pang detalye, tumawag lang kay Rye Zotomayor 09175955083 o kaya’y mag mensahe sa sulatronikong partnerships_events@c aritasmanila.org.ph.
Magbalik tanaw tayo sa katatapos lang na pagbabalik-entablado ko sa konsiyertong pinamagatang Timeless. Ginanap ito sa Manila Clock Tower Museum nito lamang ika-28 ng Oktubre, 2023, Sabado, alas-tres ng hapon.
Maraming salamat sa City of Manila na pinamumunuan nina Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo; Department of Tourism Culture and Arts of Manila; Museo de Pacis Gallery; aking bff Dr. Elba Cruz; 89.5 The Playroom; at 3PM Pilipinas Muna nina Peter Serrano (SMNI TV host, poet, at poetry reader), Emil Bichara, at Mak Roa.
Special thanks sa host na si Ramona Lazarraga, kay Direk CJ Andaluz, kay stage director at event organizer Krista Ann Taclan-Fuchs na walang kapaguran sa aming kulitan at tulungan laban sa mga elementong masasama (lumnah!), kay on-the-spot master painter na si Sherwin Gonzales, at sa isa pang poetry reader at aktres na mahal na mahal ko na si Harlene Bautista at sa partner niyang si Federico Moreno.
Taos-pusang nagpapasalamat din kaming lahat sa pagdalo ng diplomatic corps. Nangunguna na ang Thailand Ambassador na si H.E. Mr. Tull Traisorat. Khob Khun Khrup!
Nandiyan din ang makata at reader ng sarili niyang tula na si Bea Robles, ang front act na si Ran Co, ang Metro East Chamber Orchestra, ang press Angels, at sina Ms. Sally at Ms. Ricah.
Hindi mabubuo ang konsiyerto, kung hindi dahil sa sama-samang tulong ng mga pinakamamahal kong Kabunganga Nicksters from around the world. Sila ay sina Amanda Acuin, Andrew Andora, Anna Liza Antonio-Ueshima, Romeo Arlegui, Rex Estor, Ryn Ortiz, Christine Rivera, Teresa Sangalang, Princess Shang Tori, at Victoria Ventolero. No words can describe how much I love you!
Maraming salamat din sa inyong pagdalo, DJ Crizel Handog (super muah muah tsup tsup), Mommy Evangeline, Mommy Corazon Estor, Mark Santos (na MIA pero ramdam na ramdam namin ang iyong nag-iinit na presensya), Georgina Llaguno, Mikaela Edrozo, Trisha Mae Edrozo, Ron Dezvous, Wini Belle Caasi, Andrew Andora ulit, at Jean Pearl Peniera.
Super thank you sa aking music director Noel Buenviaje, sa aking Mommies Rosemarie Malabon at Maria Lepiten Fulterer, kay besh Rizah (and cutie pie Ariele), kay Boklo Drew, at kay Akyat-Bahay Ka Grasya (o, save da worst for last).
Marami pa po akong gustong pasalamatan, kaya lang paumanhin na lamang, dahil hindi ko maalala lahat kayo sa ngayon. Pero, love na love ko po kayong lahat!
Mapapanood ninyo ang video ng Timeless sa channel ko as soon as matapos ang editing. Abangan din ang vlog ng Nature & Fashion.
Yun na muna at magkikita kita na lamang tayo sa mga susunod na LIVE ng Nickstradamus Nickstradamus sa YouTube.
Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!