Estudyanteng LGBT na nag-NPA at napatay sa Oriental Mindoro kinilala na; Cardema ipinababalik ang CAT
Advertisers
Pinangalanan na ng militar nitong Miyerkules ang napaslang na estudyanteng LGBTQ member na estudyante ng UPLB (University of the Philippines Los Banos) na napatay sa isang enkwentro sa Oriental Mindoro.
Sa isinagawang ‘virtual press conference’ ng Integrated Communications Operations Center (ICOC), ang media bureau ng National task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), kinilala ni Brig.Gen. Randolph Cabangbang, commander ng Army’s 203rd Infantry Brigade, ang LGBTQ member na naging -New People’s Army (NPA) rebel na si Jethro Isaac Ferrer a.k.a. Bondo.
Ayon kay Cabangbang si Ferrer ay taga-Pangasinan, at ang kanyang mga labi ay nakuha na ng kanyang mga magulang upang bigyan ng maayos na libing.
Naiwan pa nga raw ni Ferrer ang kanyang kinakasamang UPLB student din sa kilusan ng NPA na kinilala ni Cabangbang bilang Yvann Zuñiga a.k.a Paolo.
“Based on our information, they’re both members of the LBTQ and they got married in the organization,” ang sabi pa ng opisyal. Nanawagan din ang general kay Zuñiga na lisanin na ang komunistang-teroristang samahan para na rin sa kanyang kapakanan at at magandang kinabukasan.
Isinisi ni Cabangbang ang pagkamatay ni Ferrer sa mga opisyal ng unibersidad at ng ilang mga magulang na pinababayang mapasok ang paaralan ng mga ‘legal fronts’ ng CPP-NPA-NDF, na siyang sumisira ng mga kinabukasan ng mga kabataang Filipino.
Inihalimbawa rin ni Cabangbang ang narescue nilang si NPA vice commander Ka Adrian na sugatan sa isang enkwentro, at sinabing nagpapagaling na ito sa Armed Forces of the Philippines Medical Center (AFPMC) sa may V. Luna, Quezon City.
“Ka Adrian suffered a broken jaw, hindi siya makapagsalita at makakain. Noong makita siya ng ating mga sundalo, naglalakad. May isinulat sa papel na pangalan ng kanyang anak at address. Ang sabi ‘bahala na kayo sa kanya’, dahil ang akala niya ay papatayin siya. Hindi, dinala siya ng ating mga sundalo sa kampo at dinala natin siya sa V. Luna. Mga sundalo natin ang nagpapalit ngayon ng kanyang diapher,” ang kwento ni Cabngbang.
Ibalik ang CAT
Samantala, sa isa namang ‘webinar’ ng Samar-based 802nd Infantry Brigade sa pakikipagtulungan ng ICOC, iminungkahi ni National Youth Commission (NYC) Chairman Undersecretary Ronald Gian Carlo Cardema ang pagbabalik din ng Citizens Army Training (CAT) sa mga high school para sa ibabubutin ng bansa.
Si Cardema na siya ring sumusuporta sa muling implementation ng Reserve Officers Training Course (ROTC) sa mga kolehiyo, ay nagsabing ang pagbabalik ng CAT sa high school level ay isang paraan na din upang maiiwas ang ating mga kabataan na marecruit ng NPA.
“Ibalik natin at gawing mandatory ang CAT, pati Boy at Girl Scouts gawin ding mandatory to build up nationalism and nation building (among Filipino youth),” paliwanag ni Cardema sa webinar na may temang “Youth Transformation & Leadership.”
Ang pagrerecruit raw ng CPP-NPA-NDF ang sumisira sa karapatan ng mga kabataan sa tamang edukasyon at sinisira nito ang kanilang magandang kinabukasan.
Isa rin sa programang ilulunsad ng NYC aniya, upang matigil na ang panghihikayat ng mga komunistang-terorista sa ating mga kabataan ang “National Youth Convention” na nakatakdang gawin sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.
“This will be a big event for our youth and we’re expecting thousands of newly elected Sungguniang Kabataan officials to participate. We also involve the PMA cadets and many more organizations from national and local like the NTF-ELCAC and its partners at the local level,” paliwanag ni Cardema.