Advertisers

Advertisers

Sure na kaya ‘yan… Julia at ‘di si Yassi ang makakatuluyan ni Coco sa ‘Probinsyano’

0 215

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMI raw for sure ang nawalang raket ni Coco Martin nang i-deactivate nito ang kanyang account sa social media.

Simula nang i-shutdown ng ABS-CBN ay isa-isa  nitong isinara ang lahat ng kanyang account.



May mga iba nga raw na nagpo-post sa kanilang account para kumita lang at may gumagawa na nga nito na sa pagpo-post lang ay talagang kumikita na ng daang libo.

Pero paano nga raw magpo-post si Coco kung wala na itong account kaya tunay na malaking halaga ang nawala sa aktor.

Samantala, may tsika na may bagong papasok na makakatuluyan ni Cardo Dalisay at hindi nga raw si Alyanna na ginampanan ni Yassi Pressman.

Si Julia Montes naman ang bagong character na papasok sa nasabing long running serye na Ang Probinsiyano.

May haka-haka na si Julia ang tinutukoy na bagong papasok na karakter na makakatuluyan ni Cardo.



Naku, paano na nga raw pupunta ang character ni Alyanna kung may bagong love interest si Cardo?

Kaya reaction naman ng netizens na pati ba naman sa serye ay sila pa rin ang nagkatuluyan at hindi lang sa real life.

Marami na ang nag-aabang sa pagpasok ng character ni Julia sa serye.

Kaabang-abang nga raw ang pagpasok ni Julia at balik-free TV na ang ABS-CBN sa pamamagitan ng A2Z channel ni Eddie Villanueva.

Well…wel…well. ‘Yun na!