Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
EXCITING ang unang beses na pagganap ni Kimson Tan bilang lover ng isang bading sa “Lovers/Liars” ng GMA.
Kumusta ang journey niya sa role na ito?
“Actually, nung binabasa ko yung script nung nalaman ko na I was… kasi nung nag-storycon po sila, wala po ako dahil nasa Singapore pa po ako nun, I was shooting “King of Hawkers”, so nag-chat si Mommy Jhai, kasi me and mommy Jhai naman are so, so close, I mean sobrang close namin, sobrang tropa namin,” lahad ni Kimson.
“Kaya nung chinat niya ako, sabi niya, ‘Nak’, sabi ko, ‘Mommy bakit?’, sabi niya, ‘May eksena tayo’, kasi two years ago… or a year ago, we were talking about it, na sana magka-work kami, pero hindi namin naisip dahil ABS siya and GMA ako.”
Magkaibigan sila ni DJ Jhai Ho na nasa cast ng Lovers/Liars bilang gay lover niyang si Lucy.
“Kasi nung nag-start ako, I started with ABS, doing shows in ABS, tapos nandun si Mommy Jhai, nag-meet kami, then eventually nung pandemic naging close kami, kasi we play Mobile Legends, with other artists also, so kumbaga nabuo yung bonding.”
Kaya wala na silang ilangan habang magkaeksena sa Lovers/Liars.
“Nung ginagawa namin natatawa lang din kami ni Mommy Jhai.”
May naglalagablab ba na mga eksena ng lovemaking sila sa serye?
“Wala naman, hindi naman siya kasing intimate ng kay Kuya Polo at Kuya Rob, pero ano siya, it’s something that nagawa ko siya ngayon lang in my whole life.”
Ano ang tinutukoy ni Kimson?
“Iyon yung dapat niyong abangan.”
At tiyak kaiinggitan ng mga vaklah si Jhai Ho!
Gay lover si Polo Ravales bilang cardiologist na si Ronnie San Diego ni Rob Gomez bilang si Joseph Mentiroso na isang medical sales representative sa Lovers/Liars.
Si Kimson naman bilang si Kelvin Chong ay magiging isang bayarang lalaki dahil sa sinapit ng pamilya niya sa kuwento ng nabanggit na serye.
Bida si Claudine Barretto bilang Via Laurente sa Lovers/Liars at nasa cast din sina Shaira Diaz bilang Nika Aquino, Lianne Valentin bilang Hannah Salalac; Christian Vasquez bilang Victor Tamayo; Michelle Vito bilang Andrea Segreto at Yasser Marta bilang Caloy.
Sa direksyon ni Crisanto Aquino, napapanood ito sa GMA Telebabad at sa mga nasa abroad, sa GMA Pinoy TV.
***
SIKAT na sikat at napakagandang teen actress noong 1980s ni Nadia Montenegro.
Kaya tinanong namin si Ynna Asistio kung ano ang pakiramdam maging anak ni Nadia?
Lahad ni Ynna, “It’s a wonderful feeling to be her daughter kasi everywhere I go I hear stories of how she and my dad have touched so many lives over the years and kahit wala na si dad, mom is still continuing his legacy of helping others wholeheartedly.
“Ang sarap po, nakaka-proud,” mariing sinabi pa ni Ynna.
Alam daw ni Ynna kung gaano kapopular ang mommy niya noon.
Bulalas ni Ynna, “I was aware po, sobra! Kasi bata pa lang kami pinapanood na namin ang mga movies and shows nila.
“But mas lalo akong napahanga when I started hearing din po stories from my co-workers sa showbiz industry how famous she was back then.
“Nakakabilib po! Also working at the age of fourteen, ibang klase po, nakakahanga,” binitiwang mga papuri pa ni Ynna sa kanyang ina.
Siyempre, may ugali o traits si Nadia na namana ni Ynna mula sa kanyang ina.
“Helping others, hindi marunong mag-No, “lahat oo lang ng oo,” at tumawa si Ynna.
“Ang siyempre namana ko rin yung appetite niya sa food, hindi mawawala yun,” at muling tumawa ang actress/host/vlogger na may show na Behind The Scenes With Ynna na napapanood sa Youtube (na may bagong episode tuwing Sabado, 6 p.m.) sa https://www.youtube.com/@behindthesceneswithynna.
Naging guest sa pilot episode ng Behind The Scenes ang ina ni Ynna na si Nadia (My Momma’s Journey); si Jennica Garcia naman ang naging guest ni Ynna sa episode 2 na pinamagatang Mother, Rising Back Up; sa episode 3 naman ay si Jamey Santiago-Manual ang panauhin ni Ynna sa episode na A Multifaceted Mother.
Si Jamey ay asawa ng StarStruck Season 4 Avenger na si Jan Manual at isang TV host, aktres sa 700 Club Asia at Pastora sa Lifegiver Elliptical.
Sa episode 4 (Fearless Mother) ay si Erin Ocampo ang guest ni Ynna; si Erin ang ina ng anak ng singer na si Michael Pangilinan.
Panauhin ni Ynna si Denice Sy sa episode 5 na may pamagat na A Mother’s Heart.
Si Denice ang utak sa likod ng mga beauty brands tulad ng Ever Bilena, Spotlight, Hello Glow, Careline at marami pang iba.
Si Denice rin ang Chief Sales & Marketing Officer ng Ever Bilena, ang nangungunang local cosmetics company sa Pilipinas.
Sa episode 6 (Instant Mom) ay panauhin ni Ynna si Nonah Pla na kilala rin bilang Nonah Designs. Cousin-in-law ni Ynna si Nonah na isang professional web designer at nakilala bilang unang Pilipinang Shopify expert sa larangan ng web design.
Panauhin naman ni Ynna si Gee Canlas, isang aktres at komedyana na misis ni Archie Alemania sa episode 7 na pinamagatang Mom’s Second Chance.
Nitong nakaraang Sabado, Nobyembre 18, sa episode na Shoe Momma ay guest ni Ynna si Kara Reyes, ang may-ari ng Kara Zapatos, isang local shoe shop sa Marikina.
Sa episode 9 na Beautiful Momma ay guest ni Ynna si Maya o Mae Flores ng Season 1 ng Pinoy Idol na nag-iisang Pilipinang miyembro ng girl group na Blush at misis ni Geoff Eigenmann.