“May kalinga, may ginhawa, may saya ang Christmas sa Maynila” – Mayor Honey
Advertisers
KARAGDAGANG police visibility, dagdag na parking areas at city-wide gift-giving sa selebrasyon ng “May kalinga, may ginhawa, may saya” Christmas sa Maynila.
Ito ang ilan sa mga plano na inilatag ni Mayor Honey Lacuna para sa siyudad ng Maynila sa unang linggo ng December bilang pagsisimula ng Kapaskuhan, kasabay ng pag-aanunsyo niya ng mga activities kaugnay ng Kapaskuhan sa Maynila, kung saan itinatampok distribusyon ng Christmas gift boxes sa 695,000 pamilya at 175,000 senior citizens, pati na rin ang payout ng monthly financial assistance para sa senior citizens, 16, 204 solo parents at 33,216 persons with disability (PWDs).
Inanunsyo din ng alkalde ang Grand Bazaar na gagawin sa Mehan Garden kasabay ng taunang Simbang Gabi na gagawin sa Kartilya ng Katipunan.
Iprinisinta din ni Lacuna ang mga laman ng gift boxes na ipamimigay, kasama si Vice Mayor Yul Servo, pinasalamatan niya ang “Pasko sa Maynila” team na siyang mamamahala sa distribusyon ng Christmas packs at allowances, na sina: chief of staff Joshue Santiago na siyang overall coordinator, department of public service Nicole Kay Amurao, Office of Senior Citizens’ Affairs chief Elinor Jacinto, social welfare chief Re Fugoso, tourism chief Charlie Dungo, City Engineer Armand Andres, Manila Traffic and Parking Bureau chief Zeny Viaje and adviser Dennis Viaje at Manila Police District Commander Col. Arnold Thomas Ibay.
Sinabi ng alkalde na ang distribusyon ng gift boxes ay magsisimula ng December 1 hanggang December 12, dalawa sa umaga at dalawa sa hapon sakop ang apat na distrito araw-araw.
Partikular na binigyang direktiba ng lady mayor si Ibay at MTPB chief Zeny na siguraduhing ang trapik sa lugar na itinuturing bilang shopping destinations para sa mas murang regalo maging mga malls ay secured walang standstill traffic.
Inanunsyo din niya ang pagtatalaga ng dagdag na parking spaces para magkaroon ng mas maraming lugar na mapaparadahan ang publiko ng kanilang sasakyan, partikular ito sa mga lugar ng Divisoria, Quiapo, Avenida, Blumentritt, Tutuban at Recto, maliban pa sa palengke at shopping malls.
“Ang tagubilin ko sa MTPB at MPD, sana diretso lang ang traffic sa Maynila dahil ito ang dinadayo ng mga tao para mamili ng mga Pamasko,” sabi ni Lacuna. (ANDI GARCIA)