Advertisers
PATAY ang magkapatid nang pagbabarilin sa Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato nitong Miyerkules.
Kinilala ang magkapatid na sina Reynan Bernardo Napalcruz, 17anyos; at Rene Bernardo Napalcruz, 29.
Ayon sa ulat, agad pumanaw sa mga tama ng bala si Reynan, habang namatay si Rene sa ospital.
Sa inisyal na pahayag ni Major Maxim Peralta, hepe ng Kabacan Municipal Police Station, pinagbabaril ang mga biktima sa gilid ng highway sa Barangay Kayaga ng kanilang kausap, na agad naman nakatakas.
Ayon kay Peralta, residente ang mga biktima ng hindi kalayuang bayan ng Carmen, Cotabato.