Advertisers

Advertisers

Dahil break na… KathNiel kinukuwenta na ng abogado ang hatian sa joint business; Barbie bagot na sa pagkalkal sa lovelife

0 19

Advertisers

Ni BETH GELENA

AYON sa netizen na si Mavvy Atienza Satira kay Donnalyn Bartolome sa Instagram ni JM de Guzman, “Pwede bang si JM na lang  ibigay mo?”

Sagot ng actress/singer/vlogger, to “Mavvy Atienza Satira, “tnry ko na po ipqaubaya siya sa iba… pero nagagalit po siys ihhh iba na lang hingiin mo sisss.”



Kinilig naman ang million followers ni girl.

Sey ng netizens, “Gosh, i can only imagine pag nag break sila baka ano na naman mangyari jay JM, grabe sya magmahal e, diba nung nag break sila ni jessy e ayun”



“Hahaha ako din kinilig sa kanila! Sana maging sila na and di pa promo lang”

“Hindi sila nakakakilig sa totoo lang. Mas kinikilig pa ako kay heaven at marco. Hihi”



“Ilang months kaya ito??”

“”Sounds very jologs pala tong si ate girl. Bakit andami nyang followers?”

“So brave ng mga babaeng susugal dito kay guy knowing what he’s capable of doing kapag hindi maganda naging outcome ng relationship nila”

“Feeling ko bagay sila. Parehong possessive eh. Alam mo yun todo bigay sa partner kahit ubos na bigay pa rin ng bigay.”

“Bet ko si JM pero sobrang PBB teens tong ginagawa nila ni Donalyn..”0

“JM, paki-paubaya na nga tong si Donnalyn.”

***

TINANONG ni Luis Manzano sa kanyang vlog na Luis Listens si  Barbie Forteza, kung napupuno na siya sa tanong ukol sa kanyang love life.

Napanood daw ng TV host ang interbyu sa Kapuso aktres about her lovelife.

“Actually, I saw one interview na sinabi mo talaga, correct me if I’m wrong, parang napupuno ka na or pagod na pagod ka nang sagutin ‘yon,” ani Luis kay Barbie.

Lagi kasing tinatanong kay Barbie ang boyfriend na si Jak Roberto at ang ka-loveteam niyang si David Licauco.

Ani Barbie: “Actually, ‘yun lang yata ‘yung caption pero hindi ako ‘yung nagsabi talaga na napupuno na ako.”

“Pero ‘yun nga, ‘yung tanong like, ‘Hindi ba nagseselos si Jak kay David?’ So parang ang sinabi ko lang, nauubusan na ako ng isasagot kasi ‘yun lagi ‘yung tanong. Nauubusan na ako ng isasagot, kung papaano pa iko-construct ‘yung sentence na, ‘Hindi nga po, okay kaming tatlo. Okay po kami ni Jak, okay kami ni David, okay si Jak at si David.’”

“Naubusan lang talaga ako ng sagot, pero hindi naman ako napupuno,” wika pa niya.

Aminado rin ang Kapuso aktres na nalunod siya  noon sa atensyong natanggap dahil sa ‘Maria Clara at Ibarra.’

***

AYON sa programa ni Nanay Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Wendel Alvarez na nagkukwentahan na umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla  nang ipinundar nilang joint business.

Anila pa,  nag-uusap na

umano ang kani-kanilang abogado hinggil sa kanilang negosyo.

Balita pa nila hindi na rin daw ire-renew ng Star Cinema ang kanilang kontrata.

Nakikipag-negotiate na nga raw si Kath kay Rambo Nunez, ang mister ni Maja Salvador, samantalang si DJ ay naghahanap ng magha-handle sa kanya.

Gaano kaya katotoo ang balitang ito?

Yan tiyak ang tututukan ng mga nasa showbiz.

Hindi maikakaila na ang KathNiel ang number one loveteam ng bansa.