Advertisers
Arestado ang Flip-top rap battle artist na si “J-Skeelz” sa bayan ng Candelaria sa Quezon nitong Sabado, Nobyember 7.
Kinilala sa tunay na pangalan ang suspek bilang si Jason Yap Rodriguez aka “J-Skeelz”, 37, residente ng Tondo, Manila.
Sa ulat, nagbenta ito ng P1,000 halaga ng shabu sa nagpanggap na buyer sa Quezon Premiere Hotel 3:30 ng madaling araw.
Narekober kay “J-Skeelz” ang dalawa pang plastic sachets ng shabu na idaraan sa laboratory analysis.
Isang popular rap artist sa flip-top battle league sa Metro Manila si Rodriguez.(PFT team)