Advertisers
ARESTADO ang isang big-time drug dealer nang masamsaman ng nasa P1.3 milyong halaga ng shabu na naka-gift wrap pa sa isang drug operation sa Barangay Maderan, General Mariano Alvarez, Cavite.
Ibinalot pa ng suspek sa Christmas wrapper ang bitbit na shabu nang makipag-deal sa isang poseur buyer na kinilala lamang sa alias “Dimnatan”, nasa hustong gulang, isang high value target (HVT) ng pulisya at big-time dealer at tulak ng droga sa lalawigan.
Sa nakalap na ulat mula kay Colonel Randy C Oliquino, hepe ng pulisya sa lungsod, 3:40 ng hapon nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Group Special Operation Unit 4-A , katuwang ang GMA Police at Cavite Provincial Intelligence Unit ang buy-bust operation laban sa suspek.