Advertisers

Advertisers

DIGONG ITINANGGING PINAGBANTAAN SI CASTRO

0 65

Advertisers

MARIING itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pinagbantaan niya ang buhay ni House Deputy Minority leader at ACT-Teachers Rep. France Castro.

Sa counter-affidavit ng dating Pangulo na may petsang Disyembre 11 subalit isinapubliko nito lamang Biyernes, Dec. 15, sinabi nito na hindi nito pinagbabantaan ang mambabatas kundi ikwinento lamang umano niya ang kanilang naging pag-uusap ng kaniyang anak na si VP Sara Duterte tungkol sa panukalang confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Subalit isang buwan ang nakalipas noong Nobyembre 16, sa kabila pa ng naunang inihaing criminal complaint ni Rep. Castro at inisyung subpoena ng QC prosecutors laban sa kaniya, muling binanatan at pinagbantaan ni Duterte ang buhay ni Castro.



Subalit sa parehong counter-affidavit ng dating Pangulo, sinabi nitong ang kaniyang naging pahayag sa ikalawang subject episode ay hindi rin maaaring mabigyang-kahulugan bilang isang ‘communicated intent to inflict physical o other harm’ sa persona ng complainant na si Rep. Castro.

Iginiit din nito na wala sa kaniyang mga nasambit na salita ang nagpapahiwatig ng kaniyang personal na determinasyon, kagustuhan o kakayahan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">