Advertisers
Sakto na ika-23 na korona ng San Beda sa men’s basketball sa NCAA sa taong 2023.
Naisahan ng Red Lions ang Cardinals noong Linggo para makamit ang karangalan.
“ The boys did it, nagtiwala lang sila sa aming coaching staff,” sabi ni winning Coach Yuri Escueta.
Si Escueta ay pointguard ng mga nagkampeon na Red Cubs noong early 2000s.
Si Ato Badolato ang kanilang mentor at ilan sa kanyang mga kakampi ay sina Jay R Taganas at Ogie Menor.
Katapat din niya noon ang Mapua Robins kung saan bida si Japeth Aguilar.
Head coach naman ni Yuri sa Blue Eagles ang consultant ng squad na si Norman Black.
Ang nagsalpukan sa finals na umabot ng Game 3 ay parehong may matagumpay ring na haiskul program sa basketball.
***
Bilang pamaskong handog ng OKS sa mga tagasubaybay ay matutunghayan ninyo ang isang espesyal na panayam kay 1960 Rome Olympian Edgardo Roque.
Mapapakinggan ang episode sa ika-25 ng Disyembre sa DWBL 1242 khz at mapapanood sa Facebook Live at YouTube.
Bihira magpa-interview ang dating Ysmael Admiral at Yco Painter sa media.
“Sa DZRH ang huling guesting ko sa radyo at ito ay noong nasa Makati pa ang kanilang studio,” wika sa atin ng ex JRC Heavy Bomber at tanging buhay pa sa RP Team sa Roma.
***
Pinagsusumikapan ni LeBron James na maging isa sa may-ari ng isang prangkisa sa NBA.
Malamang ay sa siyudad ito ng Las Vegas kung saan ginagawa ang Summer League at kakatapos lang na InSeason Tournament.
12 sila ngayon na itim na mga minority investor at dalawa ay mga babae. Mangyari yung nag-iisang black majority na si Michael Jordan ay, ibinenta ang karamihan sa share niya kamakailan.
Bukod kay MJ at mga kasosyo sa Charlotte na sina J Cole at Damian Mills sa Hornets. Nasa talaan din ng black minority sina Usher at Myles Garrett ng Cavaliers, Grant Hill ng Hawks, Dywane Wade ng Jazz, David Robinson ng Spurs, Will Smith at Jada Punkett Smith ng 76ers, Sheila Johnson ng Wizards at Valerie Daniels-Carter ng Bucks.
Nais ni LBJ na siya ang may pinakamalaking bahagi ng ownership kaya hindi siya makakasama diyan kung sakali.
Madalas napapansin natin ang mga reel ni Zaldy Realubit sa Facebook.
Nagigitara at umaawit ang 6’6 na nagdribol noong 90s para sa Presto Ice Cream at Sta Lucia Realty.
Kasabayan niya doon sina Manny Victorino at Vergel Meneses.
Sa mga short video sa Fb ay kinakanta ng sentrong may bigote at balbas na ang tulad ng Balita ng Asin at Wandering ni James Taylor.
In fairness magaling tumugtog at maganda boses ng ngayon ay MPBL Deputy Commissioner/Chief Operating Officer.