Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAGLABAS ng saloobin sa pamamagitan ng Facebook Live nitong Sabado ng gabi, December 23, ang young actress na si Francine Diaz, tungkol sa isyu sa kanya noon, na siya ang sinasabing third party kaya nagkahiwalay ang dating loveteam at magkasintahan na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.
Matatandaang sinabi ni Andrea nung April 11, 2022, sa Facebook Live rin, na dalawang taon sila naging mag-on ni Seth at mutual decision ang kanilang breakup.
“Wala akong inahas, wala akong nilandi, wala akong inagaw. Malinaw? Screen record n’yo, puwede n’yong balikan. Playback n’yo. Kasi wala talaga akong inagaw,” iyan ang malumanay ngunit palaban na hirit ni Francine.
Sinabi rin ni Francine na professional ang relationship nila ni Seth.
“Ginagawa lang namin ang trabaho namin,” aniya pa.
***
SA segment ng It’s Showtime na “EXpecially For You”, natalakay dito ang usapang pampamilya. Ayon sa isa sa host ng nasabing noontime show ng ABS-CBN na si Vice Ganda, naniniwala siya na kung walang pera o kakayahan ang isang tao ay dapat huwag muna itong magsimula ng isang pamilya.
“This opinion might offend other people pero kung wala kang pera, ‘wag kang gumawa ng pamilya,” sey ng TV host-comedian.
Pagpapatuloy ni Vice, “Dahil kawawa lalong-lalo na kung may iluluwal kang batang hindi mo mapapakain nang maayos. Sarili mo lang din ang sasalba sa ‘yo at hindi ibang tao.
“At the end of the day, ikaw ang sasalba sa sarili mo. Hindi ibang tao, ni hindi gobyerno. Ikaw,” giit ni Vice.
Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang opinyon hinggil sa pahayag ng komedyante.
“Love just ain’t enough. Hindi kayo mapapakain ng pagmamahal n’yo sa isa’t isa. Wag mag-anak nang madami kung hindi kaya. Tapos pag walang makain, kakatok kayo sa busilak naming puso. Choz!” pagbabahagi ng isang netizen.
Comment naman ng isang netizen na against sa naging pahayag ni Vice,”Eh kung bet nilang bumuhay ng mga anak at bumuo ng malaking pamilya, huwag nating pakialaman.”
“Madali naman gumawa ng pera e. Wag nalang mag-aanak kung idadamay sa kabugukan. Haha. Kawawa lang mga bata magsa-suffer di ba?” sey naman ng isa.