Advertisers

Advertisers

MIC TAHIMIK NGUNIT MABALASIK

0 2,551

Advertisers

TAHIMIK ang lakad ng Maharlika Investment Corporation kung saan ang tumataginting na P500B ang pinahihintulutang puhunan kung saan ang P375B ang karaniwang o common shares at P125B ang puhunan ng mga Government Financial Institutions (GFIs). Sa kasalukuyan hindi natuloy ang pagsasanib ng dalawang malaking bangko ng pamahalaan, ang Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) na balak isagawa bago matapos ang kasalukuyang taon. Walang banggit na dahilan sa pagkakaantala ng pagbubuklod ng dalawang bangko subalit mariin ang pagkakasabi ni Boy Pektus na kailangang gumalaw o simulan ang Maharlika Investment Corp. bago matapos ang kasalukuyang taon. Sa pagbibigay diin ni Boy Pektus, nagmadali ang mga economic managers at ginarahe ang pagsasanib ng mga bankong bangit ng ‘di maantala ang paglilipat ng pondo sa MIC. Dahil sa pagbubuklod ng dalawang banko, kailangang sumailalim ito sa tinatawag na “due diligence” at pag-aaral sa kaperahan, pag-aari, maging ang estado ng kawani ng nasabing mga banko.

Sa paggarahe ng merger ng LBP / DBP nagpapalipat ang mga ito ng tumataginting na P50B mula sa una at P25B mula sa pangalawa bilang bahagi ng puhunan na ilalagak sa MIC. At inaasahan na sa lalong madaling panahon, makapag-aambag ang pambansang pamahalaan ng P50B upang maging operational ang MIC at makapangalap ng mga namumuhunan na maglalagak ng pondo. Sa ngayon, tahimik ang MIC at ang balita sa paglilipat ng pondo ng dalawang bangko ang batid na nagaganap. May mga itinalagang mga Board of Directors at Pangulo ang MIC ngunit ang negatibong balita ang tumambad higit sa pangulong o CEOng itinalaga. Hindi batid kung anong putik ang ibinato ngunit ang maglinis ng ngalan ang tamang gawin. At sa paglilinis ang ipabatid sa madla ang estado ng putik na ibinato’y dapat gawin ng masabing clean ang green ang nasabing Chief Executive Officer.

Walang hanap na mali sa mga pagkakatatag ng MIC maging sa mga naitalagang opisyal subalit umaasa na magagamit ito ng mayos at kapaki-pakinabang sa mamamayan at sa bayan. Hindi nag-iisip ng ikakaduhagi ng korporasyon dahil salaping bayan ang nakataya dito. At ang kagalingan ng korporasyon at pakinabang ng bayan ang paiiralin sa lahat ng oras dahil kay Mang Juan na pagod na sa madalas na pag-aambag ng dugo at pawis sa mga walang kwentang programa ng pamahalaan. Sa pagkakatatag ng MIC, may kalabuan ang paglalatag ng kaso sa aberyang susuungin nito higit kung may kapabayaan. May aasahan ba ang bayan pagbabayarin ang mga may sala o amba na parusa na batid na ‘di maipapatupad. May sagutin ba ang nagtalaga sa mga opisyal ng MIC kung biglang mawala ang pondong inilagak ng bayan. Sino ang hahabulin at sino ang hahabol sa mga lalabas na salarin ng pondong pawis at dugo ni Mang Juan.



Sa totoo lang, malakas ang kabang takot sa MIC sa halip na positibo resulta dahil sa kasaysayan ng taong nagtutulak sa pagbuo ng korporasyong bangit. Sa pagtutulak ng isang institusyon sa labas ng pamahalaan na karaniwang ‘di kinakitaan ng magandang resulta na nagbigay daan sa serbisyong ibig para sa bayan. Ang masakit, karaniwan na ang kagalingan ng mga namumuno sa pamahalaan ang may pabaon sa panahon ng pagbaba sa pwesto. May mga dokumento ng puhunang kahit laway lang ang gamit. At paglisan sa pwestong tangan, sandali ang pagkuha sa puhunan na inilagak ni Mang Juan. Nariyan na pinapaganda ang larawan ng pangungulimbat sa ngalan ng puhunan gayong walang tuwirang pagpasok ng puhunan. Ang pagkakaloob ng mga insentibo sa mga puhunang ilalagak ang dapat bigyan ng masusing pagtitiyak higit sa kung sinong Ponsyo Pilatong mamumuhunan.

Ang kasalukuyang panahon, masasabing paborable sa pamumuhunan higit sa pansamantala na pumasok sa uri ng negosyo na maaaring magkamal ng salapi. Ang puhunang laway sa panahon na hirap ang mundo ‘di lang sa bansa ang tamang negosyo na magdadala ng kaginhawahan sa iilan ngunit kahirapan sa nakakarami. Magandang palusot na hindi sumipa ang pamumuhunan dahil sa krisis na nararanasan. Ang pagbaba ng halaga ng pera, pagmahal ng bilihin at kung anu-ano pang palusot ang mainam na dahilan ng pagkalugi ng negosyo na tanggap ng mga taong ‘di nag-iisip. Ang pangangailangan ng Pinoy higit ang mababang presyo ng bilihin ang dapat unahin, tuldukan. Batid ng mga batikang negosyante na ‘di tama sa pamahalaan ang pumasok sa pamumuhunan higit sa ‘di tiyak na negosyong papasukan. Ang paglalagak ng pera sa negosyong ‘di hawak ang maling hakbang na sanay’ pinag-isipan at iniiwasan. O’ baka may ibang balak na gawin sa halip na magbalik ng nakaw na yaman sa nakaraan.



Maganda ang layunin ng MIC ngunit ‘di kagat ang kaisipan higit sa taong may kasaysayan ng pangungulimbat sa pera ng bayan. Tila hindi natuto sa nakaraan at ang pangangalap ng kaperahan sa ngalan ng politika ang siyang gawi dahil batid na ‘di ibabalik sa kinabukasan. Ang paggamit ng mga taong tatayong mamumuhunan sa kasalukuyan ang batid na hakbang para sa kinabukasan. Ang maibalik ang ilang yaman na galing sa mahuhusay na tulay na ‘di nagawang matinag ng mga nagdaang panahon at pamahalaan ang pinaghugutan ng aral para sa kinabukasan na yaman. Walang makakatangi higit batid ang likaw ng bituka na minsang nakasama at muling kasama sa galaw tulad ng nakaraan. Walang hindi mapapabilis at mapapa “oo” dahil ang makinarya ng pamahalaan ang gamit upang pisilin kung sinong Pilato aayaw.

Gumagalaw na ang Maharlika Investment Corp. ngunit tahimik at kinakausap ang mga dating kaibigan ng ama na maglagak ng puhunan. At dulo ng panahon at bababa na sa pwestong tangan ang maibalik ang mga perang pinatanganan sa mga kaibigan ay makuha ng walang usapang legal. Walang sisinuhin dahil batid ng mga dating kaibigan ang estado ng kaperahan at ang magbalik ng bahagi’y ‘di kawalan sa pamilyang namunini sa mahabang panahon. Ang masakit sa panahong ito, ang inilagak na salapi ni Mang Juan sa MIC at baka sumabit sa halip na pakinabang sa kinabukasan. Tahimik ang MIC ngunit mabalasik ang dating higit sa dating mga kaibigan ng ama na ibig magbalik ng yaman. Subalit, huwag kalimutan ang serbisyong kailangan ni Mang Juan na pumapasan sa kamalian ng pamunuan.



Maraming Salamat po!!!