Advertisers

Advertisers

PANGALAN NG ILANG KAMPO NG PNP, BINAGO NI PBBM

0 3

Advertisers

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Proklamasyon Blg. 429 at 430 kung saan binago niya ang pangalan ng hindi kukulangin sa walong kampo at ari-arian ng Philippine National Police (PNP) bilang parangal at pagkilala sa mga dating pulis na naglingkod ng tapat sa bayan.

Sa Proclamation No. 429 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, binanggit ni PBBM na angkop lamang na bigyan ng pagkilala ang mga dating pulis na nagpakita ng halimbawa sa kanilang serbisyo at dedikasyon sa paglilingkod sa mga lalawigan at bayan kung saan sila nakatalaga.

Sinabi ni Pangulong Marcos na, “Nararapat lamang na bigyan ng parangal ang dating mga kasundaluhan na nagpakita ng pagiging makabayan, tapang, at dedikasyon sa paglilingkod sa bansa at sa mga lalawigan na kanilang pinaglingkuran, at nagtagumpay sa kanilang paglilingkod sa bayan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangalan at pagpapalit ng pangalan sa mga pasilidad ng PNP bilang parangal sa kanila.”



Dahil dito, pinangalanan ng Pangulo ang dinonate lupa sa PNP sa Pasacao, Camarines Sur bilang Camp Brigadier General Ludovico Padilla Arejola; ang donated lot sa PRO-5 bilang Camp Captain Salvador Jaucian del Rosaro, Sr; at ang Camarines Sur Police Provincial Office bilang Camp Colonel Juan Querubin Miranda.

Dagdag pa rito, ang 50th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 5 ay pinangalanan na bilang Camp Police Max Jim Ramirez Tria habang binago niya ang pangalan ng Camp Efigenio C Navarro, PRO MIMAROPA Headquarters at ginawang Camp Brigadier General Efigenio C Navarro.



Batay naman sa Proclamation No. 430, binago ng Presidente ang pangalan ng Police Regional Officer 12 sa General Santos City na naging Camp General Paulino T. Santos, at ang Biliran Police Provincial Office na naging Camp Private Andres P. Dadizon, Police Regional Office 8.

Pinangalanan din ng Pangulo ang Camarines Sur 1st Provincial Mobile Force Company Headquarters bilang Camp 2LT Carlos Rafael Paz Imperial, Police Regional Office 5.



Sa pagbibigay ng pangalan at pagpapalit ng pangalan sa mga kampo at ari-arian ng PNP, sinasabing pinagbatayan ni Pangulong Marcos ang Seksyon 2 ng Republic Act No. 10086, o ang Strengthening People’s Nationalism through Philippine History Act. (Gilbert Perdez)