Advertisers
NILAGDAAN nitong Lunes, Mayo 11, sa Malacañang ang kasunduan sa pag-aalis ng visa requirement para sa mga Pilipinong bibiyaheng Paraguay at mga Paraguayan na pupunta naman sa Pilipinas.
Pinangunahan nina DFA Sec. Ma. Theresa Lazaro at ng kanyang counterpart mula sa Paraguay ang paglagda sa visa waiver agreement na sumasaklaw sa mga ordinary passport holders ng dalawang bansa.
Sa joint statement naman nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Paraguayan Pres. Santiago Peña Palacios, sinabi ni PBBM na na inaasahang magpapadali ito sa kalakalan, turismo, at people-to-people exchanges ng Pilipinas at Paraguay.
Sinasabing layunin naman nitong palawakin ang cooperation sa training, skills development, information exchange, at iba pang academic at diplomatic projects ng dalawang bansa.
Nabatid na ang pagbisita ni Peña Palacios ay itinuturing na kauna-unahang official visit ng Paraguay sa Pilipinas mula nang maitatag ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong 1962. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)