Advertisers

Advertisers

16 sugatan sa sumalpok na jeep sa puno

0 5

Advertisers

SUGATAN ang 16 katao nang sumalpok ang isang jeep sa puno sa Angono, Rizal, Martes ng gabi, Disyembre 26.

Galing Taytay ang jeep at patungo sa Binangonan nang mangyari ang aksidente.

Sa salaysay ng drayber, mayroon siyang nakagitgitan at may tumama sa gilid ng kanyang sasakyan dahilan para mapakabig ito at bumangga sa puno.



Pawang minor injuries ang tinamo ng 13 sa mga pasahero.

Nasugatan naman sa mata ang isang 15-anyos na binatilyo, at isa ang nawalan ng malay.



Nahaharap ang drayber sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">