Advertisers

Advertisers

‘NO FLY ZONE’ AT SIGNAL JAMMERS SA KAPISTAHAN NG BLACK NAZARENE

0 18

Advertisers

MAGPAPATUPAD ng “no fly zone” at “signal jammers” ang mga otoridad bilang bahagi ng mga ipapatupad na seguridad sa pagdirawang ng kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila sa Enero 9.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda Jr., sa pagpulong sa Malacanang ng iba’t ibang government agencies kasama ang parishioner ng Nazareno sa Quiapo upang matiyak ang mga planong isasagawa sa araw ng translacion.

Nanawagan si Acorda sa mga deboto ng Itim na Nazareno na iwasan ang pagsusuot ng bull cap, pagdala ng payong, bags maliban kung transparent, at huwag magdala ng botelya na mga babasagin na maaring maging sanhi ng pagkasugat ng mga deboto kapag nabasag.



Tiniyak rin ni Acorda na handang-handa na ang PNP, katulong ang Armed Forces of the Philippine (AFP) at ibang law agencies sa ipapatupad na mga seguridad sa traslacion.

Nasa 15,200 pulis ang ipapakalat ng PNP bukod pa ang mga contingent mula sa AFP, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire at iba pang law enforcement agencies at mga volunteer. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">