Advertisers

Advertisers

Van sumalpok sa puno: 6 patay, 8 grabe

0 61

Advertisers

Nasawi ang anim na katao at nasa malubhang kalagayan ang walo nang sumalpok sa isang puno ang sinasakyang van nang makatulog ang driver nito sa kahabaan ng Governor’s Drive Barangay Sabang Naic, Cavite.

Sa ulat na natanggap mula sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Chester Noel R Borlongan, kinilala ang anim na namatay na sina Jether Ayuban, 27-anyos, driver at residente ng Camarines Sur; Jamie Vasquez; Ralph Noel Vasquez; Norlie Brocales Vasquez; Lea Vasquez, pawang mga residente ng Cogeo Antipolo City; at Canaway Geronimo.

Mabilis namang isinugod sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang mga sugatan na sina Bernardo Tano, 49; Ariel Rivera, 30; Precillano Pante Bry Latoria; Noel Vasquez; Jamin Vasquez; Fernando Ranon; Sanito Brocales at Jackie Vasquez.



Ayon kay P/Corporal Robinson Tercia, 4:30 ng madaling araw habang minamaneho ni Ayuban ang Mitsubishi L300 white na may temporary plate number Y2J856 at binabagtas ang nasabing lugar ng makatulog ito at sumalpok sa isang malaking puno sa gilid ng karsada ang sasakyan.

Galing umano ang mga ito sa Bicol kung saan doon sila nagpasko at bagong taon. Papauwi na sila sa Cubao ng may sumabay na pasahero sa kanila at nagpahatid sa Naic kaya dito sila dumaan.



Dahil umano sa haba at tagal ng oras ng biyahe hindi namalayan ng driver na nakatulog ito at sa lakas ng pagkakasalpok sa puno halos madurog ang unahang bahagi ng sasakyan.

Naging trahedya ang sinapit ng magkakamag-anak sa naging bakasyon ng mga ito.(Irine Gascon/Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">