Advertisers
KUMPIYANSA si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pangako na hindi makapapasok ng bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) para imbestigahan si dating Pangulong Duterte.
Ayon kay Dela Rosa ang pagtitiyak ni Pangulong Marcos sa kanya ay nangyari sa isang dinner na handog ng First Couple sa Palasyo noong Nobyembre.
“Solid as a rock ‘yung assurance na binigay sa akin ng Pangulo noong kami ay nag-dinner doon sa Malacanang. Solid as a rock. Naniniwala ako sa Pangulo. Buo ang tiwala ko sa kanya sa sinabi niya sa akin about the ICC until now. Buong buo pa rin ang aking paniniwala sa kanya na hindi niya papapasukin ang ICC,” sabi ni dela Rosa.
Aniya, ang anumang hindi awtorisadong pag-iimbestiga sa bansa ng anumang banyagang ahensiya ay maituturing na panghihimasok sa sobereniya ng Pilipinas.
Bunsod nito, hinikayat niya ang mga kinauukulang ahensiya na gobyerno na alamin ang sinasabing pagkakapasok sa bansa ng ICC investigators para matiyak na nasusunod ang posisyon ng Pilipinas.
“The government’s position should be maintained and it should be felt on the ground. Kung ang official position of the government is hindi talaga sila i-entertain at nanghihimasok sila dito, nagka-conduct ng investigation, ang sabi nga ni former Senator [Juan Ponce] Enrile, they can be arrested,” dagdag pa niya. (Mylene Alfonso)