Advertisers

Advertisers

Magnanakaw ng celfone timbog sa GPS tracker

0 6

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki na sangkot sa panghahablot ng cellphone ng isang guro sa Tondo, Maynila nitong Miyerkoles.

Kita sa CCTV ang riding-in-tandem na tila may inaabangan sa may kanto ng Juan Luna Street corner Cavite Street 8:00 ng gabi.

Tinarget ng mga ito ang isang guro na naglalakad pauwi, habang gamit ang kanyang cellphone.



“Nagte-text po siya. Ngayon merong riding-in-tandem na inagaw po ‘yung kanyang cellphone. Nag-exert po siya ng effort na habulin ‘yung umagaw ng kanyang cellphone,” ayon kay Captain Jayson Viola, Chief Investigation and Intelligence Section ng Raxabago Police Station.

“Kinabukasan pa siya nakapag-report sa atin dahil natakot ‘yung ating biktima,” dagdag ni Cpt. Viola.



Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at natunton ang isa sa mga suspek gamit ang GPS tracker ng cellphone.

Positibong itinuro ng biktima ang suspek na mismong tumangay sa kanyang gamit.



Narekober sa kanya ang ninakaw na cellphone na nagkakahalaga ng P80,000. Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang ginamit na motorsiklo.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na dati nang nahuli ang suspek sa kaparehong kaso Agosto 2023.

Pinaghahanap pa sa ngayon ng pulisya ang kanyang kasabwat na mahaharap din sa reklamong robbery snatching.