Advertisers

Advertisers

Katapatan ng immigration officer, pinuri ng BI

0 11

Advertisers

BINIGYANG papuri ng Bureau of Immigration (BI) ang isa sa mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagsasauli ng isang maliit na bag na naglalaman ng malaking halaga na naiwan ng isang ‘di pa nakikilalang pasahero sa harapan ng kanyang booth.

Sa isang pahayag, kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang babaeng BI officer na si Olivia Ivory Ojeda na pinuri dahil sa kanyang katapatan sa pagrereport sa kanyang superiors sa malaking halaga ng salapi na kanyang natagpuan habang naka-duty.

Sinabi ni Tansingco na si Ojeda ay nasa loob ng kanyang booth at nag-aasikaso ng mga pasahero sa arrival area ng NAIA’s Terminal 1 noong January 4 nang mapansin niya ang isang maliit na bag sa ibabaw ng kanyang counter.



Ang bag ay naglalaman ng mga peso bills na halos nasa P90,000 ang halaga ay naiwan ng isang pasahero na pumila at prinoseso ni Ojeda sa counter.

?Nabatid na nang makita ang bag, agad na pinagbigay alam ito ni Ojeda kay Ferdinand Tendenilla, na siyang BI supervisor on-duty, at inutusan siya na kaagad hanapin ang may-ari sa mga pasahero na nasa airport’s baggage conveyor.



Sa kabila ng pagsisikap ni Ojeda na mahanap ang may-ari ng bag ay nabigo itong matunton at makilala ang pasahero.

Dahil dito ay inutusan ni Tendenilla si Ojeda na i-surrender ang pera sa lost and found unit ng NAIA.



Ayon kay Tansingco, ang insidente ay nagpapatunay lamang na marami tapat at matinong immigration personnel na gumagawa ng kanilang trabaho bilang mga gatekeepers ng bansa.

Sinabi pa nito na ang insidente ay ang pinakahuli at parehong kaso kung saan ang immigration officers ay nagsauli at inireport ang pera at mahahalagang gamit na naiwan o nawala sa immigration areas sa airport.

“Employees like them serve as a source of inspiration to our rank and file as they enhance the reputation and prestige of our bureau as a frontline government agency,” dagdag pa ni Tansingco. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)