Advertisers

Advertisers

2 tulak, kulong sa P350K shabu

0 9

Advertisers

NASABAT sa dalawang drug personalities ang mahigit P300k halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng Caloocan PNP, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naaresto na sina alyas “Tanuno”, 37, pintor, ng BMBA 2nd Avenue, Brgy. 120 at alyas “Jomar”, 25, service crew ng Marulas B Brgy., 36.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, 12:00 ng hatinggabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ng buy bust operation sa Alley gilid ng isang gasolinahan sa Brgy. 120.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 52.36 gramo ng shabu na may standard drug price value na P356,048 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">