Advertisers

Advertisers

Estapador tiklo sa Palawan

0 9

Advertisers

Makalipas ang halos dalawang taon na pagtatago sa batas nadakip ang isang lalaki na wanted sa dalawang kaso ng Estafa sa bayan ng Carigara Leyte at Puerto Princesa City sa Palawan.

Sa report ni PLt.Col. Aldrin O Thompson kay PNP Provincial Director PCol. Relly Arnedo kinilala ang suspek na si Edgardo Roque Y Aguilar, 51 anyos, residente ng Purok 4 Brgy. Sagrada Hagonoy, Bulacan.

Base sa paunang imbestigasyon ni PCpl Marlon N Ignacio 1:30 ng hapon sa pinagtataguan nitong safe house sa Brgy. San Vicente sa bayan ng Paombong.



Nadakip ang suspek via warrant of arrest na may cc.no. R-CAR-2022-018-CR sa kasong Estafa in relation to R.A 10175 na inisyu ni Hon. Angelo Ramirez Y Arizala,Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 52, Puerto Princesa City Palawan nito lamang Pebrero 28, 2022 na walang piyansa.

At isa pang kaso ng Estafa mula sa Carigara Leyte na inilabas naman ni Hon. Lauro Adres Perez Castilo Jr, Presiding judge ng Regional Trial Court Branch 36 na may piyansang P20,000.00.



Samantala detenido ngayon ang suspek sa Hagonoy Municipal Jail habang hinihintay ang kaukulang dokumento para ilipat sa Puerto Princesa City ng Palawan.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">