Advertisers
TIMBOG ang isang pulis at kasabwat na babaeng civilian nang magbenta ng P4 milyong halaga ng shabu sa isang poseur buyer sa food chain sa Cotabato City, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang dalawang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) na sina Staff Sgt. Mujeeb Bitayo Sepi, nakatalaga sa Sultan Kudarat Municipal Police Station sa Maguindanao del Norte; at Farida Alim Alfonso.
“The suspects agreed to sell the prohibited stuff to an undercover PDEA agent at 7 p.m. along Quezon Avenue in this city,” ayon kay PDEA-BARMM chief Gil Cesario Castro.
Sa report, inaresto ng mga tauhan ng PDEA, at 5th Marine Battalion Landing Team ang dalawa sa ikinasang buy-bust operation sa naturang lugar.
Bukod sa ilegal na droga, nasamsam din kina Sepi at Alfonso ang isang pistol at dalawang mobile phones.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang dalawa.