Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
MAY mga nang-iintriga ngayon sa premyadong aktres na si Sunshine Cruz. Binigyang kulay ng mga ito ang kamakailan lamang na pagbisita sa kanya ng dating asawang aktor na si Cesar Montano.
Natatawa na lang si Sunshine dahil hindi raw dapat bigyan ng isyu dahil sa totoo lang naman daw ay purely friendship na lang ang meron sila ng ama ng kanyang tatlong magagandang dalaga.
And one more thing, ayon pa Shine ay nahihiya raw siya sa karelasyon ni César ngayon na si Kath Angeles.
Hindi raw naman masasabing kaibigan na niya ngayon si Kath pero text mate daw niya ito.
Kamakailan ay binigyan ni Cesar si Shine ng isang mamahaling regalo para sa bagong bahay na pagmamay ari ng aktres.
Isa itong “abstract painting” na nakasabit ngayon sa bagong bahay ni Sunshne at mismong ang aktor ang personal na nagdala nito, huh!
Sobrang tuwa naman ng mga dalaga ni Sunshine dahil nagkaroon ng “instant bonding” silang mag-aama.
Happy rin si Sunshine dahil nagkakausap nang personal ang mga anak niyang sina Angelina, Sam at Cheska at ang ama nilang si Cesar.
Samantala, bising bisi ngayon sa tatlong proyektong halos sabay sabay niyang ginagawa si Shine.
May mga umaasa na kahit malabong magkabalikan na as couples ay magkabalikan naman daw sana sina Cesar at Sunshine para sa isang proyekto, sa TV man o pelikula, huh!
***
NAKIUSAP ang isang kaibigang Sharonian na sana raw ay tigilan na ng mga naninira ang Megastar na si Sharon Cuneta.
After kasi ng mga kung anik anik na emote ni Ate Shawie sa kanyang Instagram account ay binatikos ang Megastar.
Pero hindi raw naman apektado si Sharon.
“Siya si Sharon Cuneta, kahit anong gawin niya may masasabi sila. Kaya sa totoo lang mahirap maging isang Sharon Cuneta,” sey ng kausap namin.
Kamakailan ay nag-post si Ate Shawie ng mga larawan nila ni dating senador Francis “Kiko” Pangilinan kasama ang tatlong anak nilang sina Frankie, Miel at Miguel.