Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA Fast Talk, prangkahang tinanong ni Boy Abunda ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio hinggil sa sexual orientation nito sa latest episode ng talk show ng King of Talk.
“Yes or no, are you gay?” mariing tanong ni Tito Boy.
“No” naman ang naging tugon ng Kapuso actor.
Sey pa ni Derrick, hindi raw siya apektado ng gay rumors o ng mga taong nagdududa sa kanyang pagkalalake.
“Mas bothered ako sa fact na bakit ginagamit nila na pang-asar ‘yung pagiging bakla, eh wala naman masama du’n,” paliwanag ng aktor.
“Siguro, kailangan mas maging open minded na ang mga tao ngayon na hindi masama… hindi okay ‘pag gagamitin mong pang-asar ‘yung pagiging bakla, pagiging mataba, pagiging pangit. Kasi there’s no such things eh, illusion lang ‘yun ng mga tao,” dugtong niya.
Hindi naman ikinaila ng dyowa niyang si Elle Villanueva na noon ay may mga naririnig na siya tungkol sa pagdududa sa kasarian ni Derrick.
Naitanong din daw niya sa sarili kung totoong gay ang boyfriend pero na-realize raw niya na maaaring may mga pagdududa lang dahil lumaki ito sa industriya na ang kasama ay puro gays.
Natatawa rin niyang naibahagi kung papaano niya nagamit ang gay rumors ni Derrick para pakalmahin ang ina kapag kasama niya ang aktor.
Istrikto raw kasi ng kanyang ina dahil unica hija siya.
“Para payagan ako na kasama si Derrick, sinabi ko kay mommy ‘Mommy bakla siya. You don’t have to worry,'” natatawang pa-throwback ni Elle. “Pero ngayon alam na po niya. So nagulat na lang po siya ‘Sinusundo si Elle sa Baguio. Bakla? Paano nangyari ‘yon?'”
Dagdag pa ni Elle, inurirat din niya ang aktor tungkol sa kasarian nito at naging straightforward daw naman ang boyfie sa kanya.
Nang matanong naman sila kung nagli-live in na sila, tahasang sinabi ng dalawa na never pa iyong nangyari bagama’t ayon kay Derrick ay bet niyang tumira sila sa isang bahay in the future.