Advertisers

Advertisers

Kahit masama ang lagay ng panahon, libu-libong deboto dumagsa sa Quirino Grandstand

0 3

Advertisers

Sa kabila ng naranasang masamang lagay ng panahon ay hindi ito alintana ng mga deboto na nakikibahagi sa Traslacion.

Bagama’t ipinagbabawal, marami sa mga deboto ay nakapayong habang ang iba ay nakasuot ng jacket na may hood.

Hindi naman sila masita ng mga awtoridad dahil ilan sa mga nakapayong ay pawang mga senior citizens.



Bagama’t maagang umusad ang Traslacion, bahagya itong bumagal dahil sa ilang mga deboto ang nag-short cut para maunan o makalapit sa Andas.

Ilang deboto naman ang pansamantalang nagpahinga at gumilid dahil sa sobrang siksikan na nararanasan.



Marami pa rin mga deboto ang humahabol na ang karamihan ay mula pa sa ibang lungsod at lalawigan kung saan ang tantiya ng Quiapo Church Command Post ay nasa 657,700 ang nakiisa sa Traslacion.

Mahaba rin ang pila ng mga deboto sa Quirino Grandstand para sa tradisyunal na pahalik kung saan tinatayang nasa 200,000 naman ang bilang nito.



@@@

Samantala bukod sa jueteng ay hayagan din ang operasyon ng sugal tulad ng Drop Ball at Color Games sa buong probinsya.

Ayon sa reklamo, dapat nang maglunsad ng all-out war laban sa ilegal na sugal sina Col Delorino at General Quesada upang mapabulaanan ang mga akusasyon laban sa kanila at ang panggagamit sa kanilang pangalan ng isang alyas Nonoy kaugnay sa KOLEK-TONG.

Ayon sa sumbong, si alyas Nonoy ang lumilikom at nanghihingi ng “goodwill” sa bawat peryante na nag-ooperate ng sugal na color games at drop ball sa Oriental Mindoro.

Kaugnay nito, nananawagan din ang simbahan at grupong tumutuligsa sa illegal gambling sa Malacañang at Department of the Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ito upang tuluyan nang matigil ang pamamayagpag ng “Jueteng Corporation” na pinamamahalaan ng ilang maimpluwensiyang pulitiko gamit ang Small Town Lottery (STL) maging ang Pergalan o Perya-Sugalan upang mapanagot ang ilang opisyal na protektor nito sa nasabing lalawigan.

May kasunod pa, wag kayong bibitiw!

***

Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com