Advertisers

Advertisers

Estudyante ninakawan na, pinatay pa

0 17

Advertisers

HUSTISYA ang sigaw ng pamilya nang matagpuang patay ang isang Senior High School student na binaril sa ulo sa Magsaysay Lourdes, Laguindingan, Misamis Oriental, Sabado ng gabi, Enero 6, 2024.

Kinilala ang biktima na si Drenz Arion Paculba, 18 anyos, binata, estudyante, at residente ng Laguindingan,.

Ayon sa Laguindingan Municipal Police Station, posibleng nanlaban ang biktima nang salubungin ito ng hindi kilalang salarin na gustong nakawin ang motorsiklo, dahilan upang barilin ito sa ulo.



Bukod sa motorsiklo, nawala din ang personal na mobile phone ng biktima, at pagnanakaw ang unang anggulo na kasalukuyang tinututukan ng mga awtoridad.

May nakuha ang SOCO-10 na basyo ng kalibre .45 na baril sa pinangyarihan ng krimen, ngunit hindi ito tumugma sa sugat na natamo ng biktima.



Nabatid na kasama ng huli ang mga kaibigan ni Paculba noong bisperas ng kapistahan sa naturang barangay bago nangyari ang krimen.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">