Advertisers
PINAGTATAGA hanggang sa mapatay ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay sa Mulanay, Quezon.
Nakahandusay ang duguang mga bangkay ng amang si Dominador Constantino sa kanilang kusina, habang natagpuan ang bangkay ng kanyang anak na si Rodelio may 200 metro mula sa kanilang bahay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na dating kinakasama ang salarin ng isa pang anak ni Dominador.
“Ang una lang po naming nakikita ay nagagalit itong suspek dahil ayaw nang makipagbalikan sa kanya noong dati nang kinakasama,” ani Major Marlon Comia, hepe ng Mulanay Police.
Sumuko naman ang salarin at nasa kustodiya na ito ng Mulanay Police.