Advertisers

Advertisers

‘PINAS, INDONESIA NAGKASUNDO SA ENERGY COOPERATION

0 14

Advertisers

TUTUTUKAN ng Pilipinas at Indonesia ang pagharap sa mga regional challenges.

Ito’y sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa usaping pangdepensa at seguridad, kalakalan, at infrastructure development.

Sa kanyang opening statement sa kanilang bilateral meeting ni Indonesian President Joko Widodo sa Malacanang, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahalagang nagkakaisa ang dalawang bansa sa mga kasalukuyang hamon sa rehiyon.



Ibinida naman ni PBBM na ang matagumpay niyang biyahe sa Indonesia noong 2022 ay hindi lang testamento ng lumalawak na bilateral ties ng magkabilang panig kundi naging daan din ito upang makabuo ng mga bagong partnership at collaboration sa iba’t ibang larangan tulad ng renewable energy, creative economy, at Industrial development.

Sa kanyang panig, nagbigay naman ng commitment si Widodo sa pagpapatag ng kooperasyon sa border security bagama’t may ilang isyu pa aniyang dapat resolbahin.



Samantala, lumagda rin sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Pilipinas at Indonesia sa usaping may kinalaman sa energy cooperation.

Ang MOU ay pinirmahan nina Foreign Affairs Minister Enrique Manalo at Indonesian Foreign Affairs Minister Retno Marsudi sa harap nina Pangulong Marcos at Indonesian Pres. Joko Widodo sa President’s Hall sa Malacanang Palace.



Kasalukuyang nasa bansa si Widodo para sa kanyang tatlong araw na official visit na tatagal hanggang ngayong Huwebes, Enero 11. (Gilbert Perdez)