Advertisers

Advertisers

Visor ng DepEd at misis inambus

0 8

Advertisers

SUGATAN ang asawa ng opisyal ng Department of Education (DepEd) sa Isulan, Sultan Kudarat nang barilin ng riding in tandem ang kanilang sasakyan sa Sultan Kudarat nitong Lunes.

Ligtas na sa kapahamakan nang magtamo ng sugat sa kaliwang kamay si Norilyn Javiaso Balancio, 51, nurse ng Sultan Kudarat provincial hospital. Ligtas naman ang asawa niyang si Eric, supervisor ng Sultan Kudarat Division Office at Board of Director ng Central Isulan Teachers Employees and Retirees Multi Purpose Cooperative na pinaniniwalaang target ng riding in tandem.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente 4:40 ng hapon sa national highway sa Barangay Kalawag 2.



Ipinarada ng mag-asawa ang kanilang Isuzu MUX (MAQ 3509) sa harapan ng Isulan Central Elementary School at agad bumaba ang mister dahil mayroong kukuning importanteng bagay, naiwan ang misis nito na nakaupo sa harapan ng sasakyan. Ilang saglot ang nakalipas, dumating ang riding in tandem at agad pinagbabaril ang sasakyan ng mag-asawa. Suwerteng hindi napuruhan ang misis na tinamaan sa kaliwang kamay ng tumalsik na salamin ng kotse, at mabilis lumabas ng sasakyan at nagtungo sa loob ng eskwelahan habang ang riding in tandem ay mabilis na tumakas.

Ayon sa pulisya, posibleng target ng mga salarin ang mister na inaakalang nakaupo sa unahan ng sasakyan.



Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">