Advertisers

Advertisers

DRIVER NG POLICE MAJOR SA ‘MISSING BEAUTY QUEEN’ SUMUKO!

0 9

Advertisers

SUMUKO sa mga awtoridad ang driver na isinasangkot sa pagkawala ni ‘Miss Grand Philippine 2023’ Catherine Camilon noong nakaraan taon nitong Martes.

Kinilala ni Major Domingo Ballesteros, Chief of Police ng Balayan Police Station Batangas Police Provincial Office, ang sumuko na si Jeffrey Magpantay, 33 anyos, kasama ang live in partner nito, ng Barangay San Roque, Rosario, Batangas.

Ayon kay Ballestero, 12:00 ng tanghali nang magtungo si Magpantay sa himpilan ng pulisya upang boluntaryong sumuko para magpasailalim sa preventive custody.



Si Magpatay ang driver ni Police Maj. Allan De Castro, ang pangunahin suspek sa pagkawala ni Camilon na nahaharap sa kasong administrative.

Sinabi ni Ballesteros na wala pa silang basehan upang arestuhin si Magpantay dahil sa patuloy parin ang isinagawang preliminary investigation sa Provincial prosecutor office at wala pa itong “warrantof arrest”.



Aniya, nagpasiyang sumuko si Magpantay para sa kanyang seguridad, at handa ito makipagtulungan sa mga otoridad para sa ikakalutas ng nasabing kaso.

Magugunita na sinampahan ng kasong ‘Kidnapping at Serious illegal detention’ ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Batangas Prosecutor Office sina De Castro, Magpantay at 2 ‘John Does’.



Si De Castro ang sinasabing kakatagpuin ng biktima noong Oct. 12, 2023 bago ito ma-i-report na nawawala, habang si Magpantay ang itinuturo ng dalawang saksi na nakitang may isang duguang babae na inililipat mula sa isang Nissan Juke sa isang kulay pulang CRV.

Ang kasong kidnapping at serious illegal detention ang naisampang kaso laban kina De Castro at Magpantay dahil iniulat na missing ang biktima Oct. 12 at hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nakikita partikular na ang corpus delicti nito.

Huling nakitang buhay si Camilon noong October 12 sa isang mall sa Lemery, Batangas.

Sa pagsuko ni Magpantay, umaasa ang ina ni Camilon na si Rose na magsasalita ito at magkakaroon na ng linaw sa pagkawala ng kaniyang anak.

Samantala, isinagawa rin sa Batangas City Hall of Justice ang ikalawang preliminary investigation sa kaso ng pagkawala ni Camilon. Hindi pa rin dumalo si De Castro pero nagsumite ng counter affidavit ang kaniyang abogado na si Ferdinand Benitez.

Ayon kay Benitez, mayroong lagnat ang kaniyang kliyente.

Binatikos ni Rose ang hindi pagpapakita ni De Castro sa pagdinig.

Sinasabing karelasyon ni Camilon si De Castro.(Mark Obleada/Koi Laura)