Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
LAGING trending ang mga eksena nina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez sa Kapamilya serye “Senior High.”
Katunayan, nagkaroon na ng following ang kanilang tandem bilang Tim-Poch kung saan nakaka-relate ang LGBTQA+ community.
Sa kaso naman ni Xyriel Manabat na isa sa mga kakontemporaryo ni Zaijan, natanong siya kung willing din siyang gumawa ng GL.
Ayon sa magaling na aktres, game raw siya na gumawa ng GL.
“Feel ko, kung ako ang tatanungin, sa onscreen kissing scene, gusto ko talaga sa babae. Kasi, feeling ko, mas komportable ako kapag ganoon,” aniya. “Feeling ko, mas walang ilangan, less issue, less hassle,” dugtong niya.
More than doing love scenes with the opposite sex, feeling niya ay magiging mas kumportable siya na gumawa ng mga maseselang eksena kasama ang kanyang kabaro.
Hirit pa niya, noon pa man daw ay napag-uusapan na nila ito ng kanyang kaibigang si Andrea Brillantes.
“Kinakantahan ko siya.Tinitigan ko siya sa mata. Kinikilig naman siya sa akin,” hirit pa ni Xyriel.
Bilang artista, sa palagay niya ay malaking hamon din ito sa kanyang kakayahan bilang aktres.
Sobra rin daw niyang naa-appreciate ang pakikipagtrabaho kay Elijah Canlas na napakalaking tulong para maitawid nila ang love scene nila sa pinag-uusapang serye ng bayan.
Ang “Senior High” ay hitik sa mga kaabang-abang na mga plot twists na nasa kanyang huling dalawang linggo at mapapanood sa Kapamilya channel, TV 5 at A2Z, Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 9:30 ng gabi at sa iWant TFC.
Mula sa Dreamscape Entertainment, tampok din sa trending series sina Kyle Echarri, JK Labajo, Daniella Stranner, Tommy Alejandrino, Baron Geisler, Sylvia Sanchez, Angel Aquino, Gela Atayde, Angeli Bayani, Desiree del Valle, Ana Abad Santos, Gerard Madrid, at marami pang iba.