Ngayong loveless na… Xian nilahad ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon; Martin tuloy sa pagpapaseksi
Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
LOVELESS dahil break na sila ni Kim Chiu, tinanong namin si Xian Lim kung paano siya nag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.
“My Christmas, well I spent with my grandparents, ganun lang po kasimple. In the house.
“Hindi rin po ako makaalis kasi I’m currently doing a project under direk Mark Reyes, it’s a collaboration between Viva Films and GMA so tatapusin ko po muna yung proyekto bago magbakasyon o bumiyahe.
“Ayun simple lang po yung salu-salo namin.
“New Year ganun din po, takot po kasi yung mga seniors sa paputok kaya eight o’ clock tulog na po sila, “ at natawa si Xian.
Bida sa Love. Die. Repeat sina Xian bilang si Bernard at Jennylyn Mercado bilang si Angela kasama sina Mike Tan bilang si Elton, Shyr Valdez bilang Hilda, Ervic Vijandre bilang Jerome, Valerie Concepcion bilang Gretchen, Victor Anastacio bilang Isaac, Valeen Montenegro bilang Chloe, Ina Feleo bilang Jessie, Faye Lorenzo bilang Diane, Nonie Buencamino bilang Danilo, Malu de Guzman bilang Kanlaon at Samantha Lopez bilang si Florence, sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Irene Villamor.
Eere na ito simula January 15, 8:50 pm sa GMA Prime
***
WILLING pa rin si Martin del Rosario na magpaseksi sa isang TV or film project.
“Hindi naman bago sa akin yung mga daring roles,” umpisang lahad ni Martin.
May nagawa raw siyang pelikula kung saan may mga daring siyang eksena.
“Kaso hindi pa pinapalabas, e! Hindi ko rin alam with the producer. Kahit sa TV noon, suki ako ng karelasyon,” at natawa si Martin.
May isang episode noon ang Karelasyon hosted by Carla Abellana kung saan gumanap si Martin bilang gay lover ni Mark Herras na may mga bed scenes silang dalawa at parehong shirtless.
“Mga nine or ten episodes na yata ang nagawa ko sa Karelasyon at lahat iyon sexy, so ako basta maganda ang role, tinatanggap ko, wala akong issue sa pagpapaseksi.”
Kahit nga raw sa bagong serye ng GMA, ang Asawa Ng Asawa Ko, may mga sexy scenes si Martin.
“Daring siya, panoorin niyo maraming scenes na ganoon,” nakangiting wika pa ni Martin.
May mga nag-akala kasi na matapos ang Voltes V: Legacy kung saan gumanap siya bilang Prince Zardoz at nagkaroon na siya ng fan base na mga bata ay nagkaroon na siya ng limitasyon sa mga daring scenes, hindi pala.
“Okay ako, ano naman ako e, I’m known as a versatile actor, so mas gusto kong ipakita yung range ng acting ko sa tao.”
Sa Asawa Ng Asawa Ko ay gaganap si Martin bilang si Jeff na lead stars sina Rayver Cruz as Jordan, Jasmine Curtis-Smith as Cristy, Joem Bascon as Leon at Liezel Lopez as Shaira.
Tampok din sa Asawa Ng Asawa Ko sina Gina Alajar as Carmen, Mariz Ricketts as Pusit, Jennifer Maravilla as Sawa, Kzhoebe Baker as Tori, Quinn Carillo as Leslie, Patricia Coma as Pusa, Luis Hontiveros as Alakdan, Kim de Leon as Kuwago, Crystal Paras as Nonette, Billie Hakenson as Buwaya, Ian Ignacio as Igat, at Bruce Roeland as Bakulaw.
Sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen, ang Asawa Ng Asawa Ko ay eere na simula January 15, 9:35 pm sa GMA Prime.