Advertisers

Advertisers

0 7

Advertisers

Ni JIMMI C. ESCALA

ISA ang sikat na aktor na si Coco Martin sa libu-libong deboto ng Itim na Nazareno ng Quiapo.

Kaya kasama ng mga deboto ay nagawa ng Kapamilya actor at nagkataon din na araw raw yun ng unang taong anniversary ng nangungunang primetime series na “Batang Quiapo”, huh!



Ayon pa Kay Coco ay gumising silang lahat ng maaga para mai-cover at masaksihan ang tunay na nagaganap sa kapistahan ng Nazareno.

Matatandaang ang unang taping ng pinakasikat na primetime series ng ABS-CBN at Dreamscape ay nangyari noong January 9, 2023 sa araw mismo ng kapistahan ng Quiapo.



Hindi rin binigo ni Coco ang kanyang milyong tagahanga na umaasang masilayan siya sa nagaganap na Traslacion sa Luneta.

Banggit pa ni Coco na pasasalamat daw niya yun sa Poong Nazareno sa walang tigil na biyayang tinatamasa niya mula noon at hanggang sa ngayon.



***

USAP-usapan sa social media ang ginawang  pagpapalayas umano ni Diego Loyzaga sa bahay niya ng ka live in at anak nilang si Baby Hailey.

At ang naging dahilan daw ay ang panibagong babae ni iniuwi ng anak ni Cesar Montano kay Teresa Loyzaga, huh!

Wala pa namang pahayag si Diego sa isyung Ito at maski na ang ilang mga taong kilala namin na malapit sa aktor ay ayaw makisawsaw sa isyu.

Pero ang social media personality at model na si Rendon Labrador ay pinatutsudahan si Diego huh!

Wala raw pang motel si Diego kaya sa bahay niya agad dinala ang bagong babae.