Advertisers
TODAS ang pintor ng kotse nang pagsasaksakin ng kanyang misis nang mag-away Huwebes ng gabi sa Barangay 7, Batangas City.
Kinilala ang biktima na si Allan Buan.
Ayon sa imbestigasyon, lasing si Allan at kasama ang kanyang asawa sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang magkaroon ng alitan.
Kumuha ng kutsilyo si Allan at sinunggaban ang kanyang asawa na nagawang ilihis ang pag-atake ngunit nasugatan sa braso.
Tinulak ni Michelle ang mister na nahulog sa hagdanan. Nakuha ng misis ang kutsilyo at sinaksak sa leeg ang kanyang mister na ikinamatay nito sa lugar.
Naaresto ng pulsiya ang misis.