Advertisers

Advertisers

Walang nawawalang case folders ng mga pulis na iniimbestigahan – PNP

0 13

Advertisers

KLINARO ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office acting chief Col. Jean Fajardo na walang nawawalang case folders ng mga pulis na iniimbestigahan ng National Capital Region Police Office.

Ito’y kasunod ng isiniwalat ni NCRPO Director Police Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na may mga nawawalang case folder ng ng mga pulis na may kinakaharap na admin cases.

Ayon kay Fajardo, sa pakikipag-ugnayan niya sa NCRPO, ang nakitang naging problema ay hindi nagkaroon ng tamang turn-over ng dokumento dahil na rin sa pagpapalit at paglipat sa ibang opisina ng mga personnel na namgmomonitor ng mga case forlder.



Nang magsagawa ng accounting, wala naman aniyang nawawala at na-account na ang mga tinukoy na case folders at for implementation ang iba dito.

Paliwanag pa ni Fajardo na nagkaroon lang umano ng “misconception” na nawawala ang mga nasabing dokumento.



Aminado rin ang opisyal na dahil natabunanan at “namisplaced” umano ang mga case folder kaya nagkaroon din ng pagkaantala sa implementasyon ng mga penalty.

Sa kabila ng paglilinaw ni Fajardo na walang nawawalang case folders, tuloy pa rin ang pag-account ng iba pang case folders sa mga pulis na iniimbestigahan sa iba pang regional offices.



Tuloy din aniya ang imbestigasyon sa mga personnel na nagmomonitor ng mga case forlder para malaman kung nagkaroon ng kapabayaan sa proper turnover sa mga naturang dokumento.