Manila Clock Tower Museum, Golden LEAF Presidential awardee
Advertisers
INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na muling tumanggap ng parangal mula sa prestihiyosong ang award-giving body ang Manila Clock Tower Museum.
Ayon sa alkalde ang ang museum ay ginawaran ng Golden LEAF Presidential Awardee ng ‘Philippine LEAF Awards Tertulia at Parangal 2024’.
Ang Philippine LEAF Awards ay kumikilala at nagpaparangal sa integridad, pagiging malikhain at husay sa Philippine live entertainment, performing arts, fashion at festivals.
Ang ‘LEAF Awards Tertulia at Parangal’ ay nakatakdang gawin sa February 8, 2024, na isang red carpet event simula 1 p.m.sa iconic Manila Metropolitan Theater.
Nagpahayag ng pasasalamat si Lacuna sa lahat ng mga nasa likod ng parangal at ipinagmalaki na noong Nobyembre ng nakaraang taon, ang iconic Manila Clock Tower Museum ay kinilala ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA) bilang grand winner sa MGM 2023 AVP Museum Competition.
Tinalo ng kauna-unahang clock tower museum sa bansa ang lahat ng iba pang local government museums sa nasabing timpalak na ginawa noong October 6, 2023.
Ang Manila Clock Tower Museum, na natapos noong 1930, ay dinisenyo ng Filipino Neoclassical artist at architect na si Antonio Toledo.
Dahil sa pandemya ang nakatakdang pagbubukas sa publiko ng rehabilitated clock tower ay naudlot, hanggang sa ito ay matuloy noong October 2022.
Ito ay pormal na pinasinayaan at binuksan sa publiko ni Lacuna at tourism chief Charlie Dungo at inilunsad bilang major tourist attraction at historic landmark.
Ito ay matatagpuan sa loob ng Manila City Hall at tuwing weekdays, mula 10 a.m. hanggang 5 p.m.
Makikita sa clock tower museum ang makulay na kasaysayan ng Maynila, gayundin ang modern art galleries na mayroong laging bagong art exhibits. Ito ay nakatayo sa halos 100 talampakan at itinuturing na pinakamalaking clock tower sa bansa. (ANDI GARCIA)