Advertisers

Advertisers

Grassfire sumiklab malapit sa gusali ng Senado

0 8

Advertisers

INABOT ng 20 minuto bago naapula ang sumiklab na grassfire sa bakanteng lote sa may Macapagal Boulevard sa Pasay City, malapit sa Senate of the Philippines, Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nahirapan silang rumesponde sa lugar dahil masukal.

Ayon din kay Romeo Gapido, OIC ng BS Tiger Fire Volunteer, malaki na ang apoy nang rumesponde sila.



“Medyo malaki na siya at nung dumating kami bale ang kinakain ng apoy ay nasa 20 to 30 meters diameter na po. Purely damuhan lang talaga siya na wala siyang residential na nakatayo,” ani Gapido sa isang panayam.

Dagdag pa niya, peligroso ito kung kumalat pa ang apoy lalo na’t maraming bahay sa likod ng nasabing damuhan.



“Unang-una apoy po ang pinaglalabanan dito na maaaring ‘pag napabayaan, any seconds or any minute, malaki po ang posiblidad na kumalat siya ng kumalat hanggang sa abutin ‘yung mga kabahayan sa bandang dulo,” wika pa ni Gapido.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">