Deadline ng applications ng business permits at payment of taxes, pinalawig
Advertisers
INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na pinalawig ng city government ang deadline para sa filing ng applications para sa business permits and licenses, gayundin ang payment of taxes and fees.
Ito, ayon kay Lacuna ay upang bigyan ng mas mahabang oras ang mga business owners at taxpayers ng Maynila para mabayaran ang kanilang obligasyon.
Sinabi pa ng alkalde na na ang extension ay nakalagay sa resolution na ipinasa ng Manila City Council noong January 18, 2024 at isinahapag ni Majority Floor Leader Ernesto “Jong” Isip, Jr. kung saan si Vice Mayor Yul Servo ang nagsisilbing presiding officer.
Sa nasabing resolution, ang filing ng application of business permits and licenses at payment of taxes and fees ay pinalawig mula sa original na deadline nito na January 23 hanggang sa February 9, 2024, ng walang surcharge o penalty.
Gayunman, ang mga magpa-file sa extension period ay wala ng 10 percent discount na hanggang January 22, 2024.
Ayon naman kay permits bureau chief Levi Facundo, ang mga kinauukulan ay maaring magpunta sa Go!Manila App., ito ay isang digital platform kung saan ang users ay makakapag-transact sa mga frontline city government offices sa loob mismo ng kanilang tahanan.
Sa pamamagitan ng system na ito, maaari ng bayaran ng sinuman ang kanyang real property taxes online at makakuha ng permits, licenses, at certificates na iniisyu ng city government. Maaaring i-download ang application mula sa Google play at Apple App store.
Para naman sa mga hindi pamilyar sa paggamit ng nasabing app, sinabi ni Lacuna na mayroong mga help desks na matatagpuan sa ilang shopping malls kung saan ang applicants ay maaaring makapamili na malapit sa kanila
Ang nasabing help desks ay tumutulong din sa business owners sa pagpo-provide ng GO! Manila App tutorial, kailangan ng approval of request para sa GO Manila access kabilang na ang transfer of ownership and business records on hold or with inspection. (ANDI GARCIA)