Advertisers
HINDI nakumpleto ng Strong Group Athletics (SGA) ang kanilang misyon na maiuwi ang ginto sa 33rd Dubai International Basketball Championship.
Ang championship-winning,buzzer-beating three-pointer ni Ismael Abdelmoneim ang bumasag sa puso ng Filipinos ng malusutan ng Al Riyadi ang SGA,77-74, para depensahan ang kanilang titulo at maghari sa Dubai tournament.
Tabla sa 74, Wael Arkji nag-drive sa basket sa paupos na oras at sa huli nakita si Abdelmoneim wide open sa three-point area at pinasa ang bola para sa tsansang maipanalo ang laro.
Nailubog ni Abdelmoneim ang trey, na sumira sa loob ng Charles Tiu-coached team’s na umaasa na maiuwi ang gold medal’ Ang dalawang team ay parehong winalis ang elimination round hanggang sa finals at hawak ang 7-0 rekord bago ang laro.
Labis na nasaktan si Andre Roberson sa pagkatalo, na umiskor ng 24 points,humatak ng 14 rebounds,three dimes, at two steals.
Nagdagdag si Dwight Howard ng 18 point,12 rebound performance, habang si Jordan Heading pinamunuan ang lokals sa skoring na 17 points.
McKenzie Moore, pomuste ng all-around game 12 points,five assists, at four rebounds.
Samantala,Manny Harris pinamunuan ang kanyang pangkat sa iniskor na 23 points at seven rebounds, Arakji umiskor ng 16 points, three rebounds,at three assists,habang si Abdelmoneim nag-ambag ng 10 sa panalo.