Advertisers
NAGPALASAMAT si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga overseas Filipino workers (OFWs) para sa magandang reputasyon na itinataguyod ng mga ito sa Vietnam.
Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Hanoi, iginiit ni PBBM na patuloy ang pamahalaan sa layunin nitong mas mapaunlad pa ang ekonomiya ng Pilipinas para sa maginhawang pamumuhay at matatag na kinabukasan ng bawat Pilipino.
Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng kanyang state visit sa Vietnam na isa aniya sa pinakamahalagang bansa na kaagapay ng Pilipinas sa Timog-Silangang Asya at natatanging strategic partner natin sa ASEAN.
Aniya, layunin ng pagbisita niya sa Vietnam na mas lalong pagtibayin at palakasin ang pagtutulungan para sa ikabubuti ng dalawang bansa.
Binanggit pa ng Presidente na marami ang maaaring maitulong ng Vietnam sa paglago at pagyaman ng ating ekonomiya. (Gilbert Perdez)